top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Adopt-a-community program, urban poor privilege card at PCUP caravan, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2019
2 min read

ANG Presidential Commission for the Urban Poor ay patuloy na nagsasagawa ng Serbisyo Caravan sa iba’t ibang komunidad sa bansa. Ito ay kabilang sa three priority programs ng komisyon kasama ng Adopt-a-Community Program at Urban Poor Privilege Card na kasalukuyang nasa proseso ng konsultasyon.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Nabalitaan kong may gaganaping PCUP Caravan sa Butuan City at gusto ko sanang dumalo. Nais kong malaman kung anu-ano ang mga available service sa araw na ‘yun? Maraming salamat! — Gerwin

Sagot

Magandang araw, Gerwin, salamat sa iyong interes sa ating Serbisyo Caravan program. Tama ka, ngayong Hunyo 28 ay may gaganaping caravan sa Bgy. Bayanihan Covered Court, Butuan City.

Ang PCUP Caravan ay ang pinagsama-samang serbisyo galing sa gobyerno at iba’t ibang pribadong kumpanya na direktang ibinababa ng PCUP sa mga komunidad. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 40,000 indibidwal na ang natulungan ng programa.

Kabilang sa mga serbisyong ibababa ng nasabing programa ngayong Hunyo 28 ang libreng medikal at dental mission mula sa Department of Health (DOH) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO); libreng payong legal mula sa Public Attorney’s Office (PAO); pagproseso ng birth certificate, marriage certificate at CENOMAR sa tulong ng Philippine Statistics Authority (PSA); ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para maghatid ng impormasyon at aplikasyon sa mga scholarship ng techvoc trainings.

Magpoproseso rin ng I.D. application para sa mga senior citizen, solo parent at PWD ang Butuan City Social Welfare and Development Office.

Pupunta rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) para magbigay ng international and local job fair. Maliban dito ay kasama rin ng komisyon ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng oryentasyon tungkol sa kanilang mga programa para sa mga maralita. Ka-partner din ng PCUP ang Philippine National Police (PNP) upang makasigurong mailulunsad nang ligtas ang isasagawang caravan.

Ilan lamang ‘yan sa mga serbisyo na dadalhin natin sa Butuan kaya hinihikayat natin ang lahat na dumalo ngayong Hunyo 28. Paalala lamang na magdala ng requirements na kailangan sa booth na inyong pupuntahan. Maaari kayong magsadya sa aming Facebook page para sa dagdag na impormasyon tungkol sa gaganaping programa.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page