top of page
Pokwang.jpg

TRIPLE HEADER AT PAGPAPAIGSI NG MPBL SEASON, ISASAKATUPARAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

MATAPOS ang tatlong seasons, iniskedyul ng Maharlika Pilipinas Basketball League ang kauna-unahang triple-header na uumpisahan ngayong Martes sa Navotas Sports Complex. Ang home team Clutch at ang host na Rizal Golden Coolers ang sasabak sa main game ng 9 p.m. matapos ang unang dalawang matches, na itatampok ang tatlong teams na nais makapasok sa win column.

Haharapin ng Biñan City ang Quezon City ng 6:30 p.m. at pakay ng teams na makabawi mula sa magkahiwalay na pagkatalo. Dating kilalang Laguna Krah-Heroes, atat na ang Biñan City na makabawi sa 75-62 na pagkatalo sa Bataan Risers.

Ang Capitals, sa kabilang banda ay nagpapagaling ng sugat ng pagkatalo, 86-85 mula sa Manila Stars. Babanat ang General Santos City kontra Marikina sa opening game ng 4 p.m. Nais masundan ng Warriors ang unang panalong 81-77 win kontra Bulacan Kuyas at nais umiskor ng dalawang sunod, kontra sa sasagupain na hilahod na Shoemasters, na wala pang panalo sa dalawang laro. Ayon kay League commissioner Kenneth Duremdes, may hakbang na sila sa MPBL kung paano paiigsiin ang season, lalo na at may 30 teams na ang sumasagupa sa liga na itinatag ni Senador Manny Pacquiao. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page