TORNADOES, MAKAKAPORMA KAYA SA BLAZE SPIKERS?


SUSUBUKIN ng bagong bihis na Foton squad ang tikas ng reigning champion Petron sa main game ng isa pa muling eksplosibong triple-header sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Magsisimula ang aksiyon ng 7 p.m. kung saan ibabalandra ng Tornadoes ang powerhouse roster kontra Blaze Spikers na pakay kunin ang bihirang three-peat sa midseason battle ng prestihiyosong women’s club tourney. Bukod diyan, asam ng Marinerang Pilipina ang unang panalo kontra red-hot PLDT Home Fibr ng 2 pm opener habang ang hilahod na Sta. Lucia ay sasagupa sa Cignal ng 4 p.m. na isinasaere ng ESPN5 at Kapatid TV5.
Sa kabila ng pagdagdag sa roster ng mga dekalibreng talents na sina Marian Buitre, Justine Dorog at Laizah Bendong upang maagapayan ang solid core nina Jaja Santiago, Dindin Manabat, Elaine Kasilag at Jen Reyes, mabagal pa rin ang Foton. Nabigo sila sa unang dalawang laro sa Sta. Lucia at Generika-Ayala pero nakabawi sa pahirapang laban na 9-25, 25-23, 22-25, 16-25 sa F2 Logistics noong Sabado sa Imus Sports Center.
Sa naturang laban, si open spiker Shaya Adorador ang namahala sa scoring pero matamlay sa Tornadoes sina Santiago, Mina Aganon, Manabat at Kasilag. Subalit hindi minamaliit ni Petron coach Shaq Delos Santos ang Foton. “They are still contenders, a powerhouse team that has tall players. We cannot let our guards down,” ani Delos Santos, na nag-mentor sa Blaze Spikers para sa All-Filipino throne sa nakaraang 2 taon.
Nanguna si Veteran Aiza Maizo-Pontillas dahil sa kanyang karanasan, bumanat ng 12 kills at 3 blocks para sa 15-point effort habang sina Mika Reyes at Bernadeth Pons ay may 10 at 9 puntos para sa Blaze Spikers. “That was just the start,” ani Delos Santos, na inaasahan din sina University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player Sisi Rondina at playmaker Rhea Dimaculangan. “We still need to step up because we’re going to face the contenders starting with Foton.” (MC) Team Standings: F2 Logistics 3-0: Petron 1-0: Generika-Ayala 2-1: PLDT 1-1: Foton 1-2: Sta. Lucia 1-2: Marinera 0-3: Cignal 0-0: Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre) 2:00 p.m. – PLDT vs Marinera: 4:15 p.m. – Sta. Lucia vs Cignal: 7:00 p.m. – Petron vs Foton





Comments