top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Shoutout sa mga estudyante riyan na tamad magluto sa bahay... 8 bad effects ng pagkain sa fastfood

  • Donna Thea Topacio
  • Jun 25, 2019
  • 2 min read

FOR sure, bentang-benta na naman ang fastfood chains ngayong pasukan, lalo na sa mga college student na walang time para maghanda ng baon o kaya ay nahihiya sa mga kaibigan. Pero, kahit knows nating masa­ma ang madalas na pagkain dito, alamin ang mga espesipikong na­idudulot nito sa katawan:

1. HEADACHE. Ang pagkain na pu­numpuno ng sodium tulad ng mga ino-offer sa fastfood chains ay nakai-increase ng pana­nakit ng ulo. Kaya kung nakararanas kayo nito, hinay-hinay lang, mga beshy!

2. ACNE. Ang french fries, hamburger at potato chips ay carb-heavy kung saan maaari itong magdulot ng breakout, partikular ng tag­hiyawat na kinaiinisan ng lahat.

3. DEPRESSION. Hindi lang stress ang nakapagdudulot ng depresyon sa indibidwal dahil maaari rin itong makuha sa bad eating habit tulad ng pagkain ng processed foods.

4. DENTAL DISTRESS. Ang carbs at sugar na mayroon ang mga pagkain sa fastfood chains ay nagpo-produce ng acid na nakade-destroy ng tooth enamel na maa­aring maging dental cavities.

5. SHORTNESS OF BREATH. Madalas ka bang hinihingal? Naku, dahil siguro ‘yan sa pagkain mo nang madalas sa fastfood chain, beshy! Ito ay dahil sa oras na madagdagan ang timbang mo, eh, nahi­hirapan ka na ring kumilos dahil nanibago ka na sa dati mong katawan.

6. INSULIN RESISTANCE. Bukod sa nakatataba ito, may tsansa ring tumaas ang sugar level mo na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng Type 2 diabetes.

7. BLOATING. Ang processed foods ay nakare-retain ng tubig sa katawan, kaya imbes na bumaba kaagad ito ay nai-stock pa ito sa inyong tiyan na dahilan kung bakit kayo nakararamdam ng bloating.

8. HIGH BLOOD. Dahil sodium-heavy ang mga pagkain sa fastfood chains, ine-elevate nito ang blood pressure o existing heart disorder tulad ng congestive heart failure.

Kaya sa mga tropa natin diyan na re­late, hinay-hinay lang para maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page