top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagsunog sa mga lumang bandila

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Napakaraming lumang bandila ng ating bansa sa aming tahanan na marahil ay iniuwi ng mga kapatid ko. Nais kong malaman kung maaari ko bang itapon na lamang basta ang mga ito? Nababahala kasi akong baka mayroon akong malabag na batas sa balak kong gawin? — Aliyah

Dear Aliyah,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 14 ng Republic Act No. 8491 o mas kilala bilang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” na:

“SECTION 14. A flag worn out through wear and tear shall not be thrown away. It shall be solemnly burned to avoid misuse or desecration. The flag shall be replaced immediately when it begins to show signs of wear and tear.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, hindi ninyo maaaring basta na lamang itapon ang inyong mga lumang bandila. Sang-ayon sa batas na nabanggit sa itaas, kinakailangang sunugin ninyo ang mga ito, upang maiwasan ang mali at nakabababang paggamit nito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page