P.55 dagdag-presyo sa gas

MAGPAPATUPAD ng panibagong oil price hike ngayong araw.
Pinangunahan ng Petrogazz, Pilipinas Shell at PTT Philippines ang pagpapatupad ng dagdag- presyo na P0.30 kada litro sa gasolina at P0.55 naman kada litro sa diesel at habang P0.45 sa kerosene, alas-6:00 ng umaga.
Ang ipinatupad na taas-presyo ay kaugnay sa patuloy na paggalaw sa presyuhan nito sa world market.
Matatandaang, huling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo noong Hunyo 18 ng P0.35 kada litro sa gasoline, P0.25 sa kerosene habang P0.20 naman kada litro sa diesel. ang mga kumpanya ng langis.





Comments