Nabulgar, BOC, BIR at DPWH, pugad ng korupsiyon!
- BULGAR

- Jun 25, 2019
- 2 min read
TITO SOTTO, SUPALPAL KAY DFA SEC. LOCSIN—Mistulang sinupalpal ni DFA Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III tungkol sa sinabi niyang hindi raw dapat magkaroon ng diplomatic passport si ex-DFA Sec. Albert del Rosario dahil hindi na raw ito kalihim ng DFA.
Samantala, ayon kay Sec. Locsin, bilang prebilehiyo, lahat ng mga dating DFA secretary at ambassador ay pinagkakalooban ng gobyerno ng diplomatic passport.
Dahil d’yan, pahiya ang inabot sa publiko ni SP Sotto, boom!
◘◘◘
BOC, BIR AT DPWH, TADTAD NG KORUPSIYON?—Ibinulgar ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang tatlong ahensiya ng gobyerno na may pinakamaraming korupsiyon at ito ay ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Tinawag pa ng PACC na “valedictorian” sa corruption ang BOC, “salutatorian” ang BIR at “first honorable mention” ang DPWH, buwisit!
◘◘◘
CARDEMA, LAGLAG NA SA ‘YOUTH’, LAGLAG PA SA ‘YOUNG PROSESSIONALS’—Nang tanungin ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon si Atty. Rani Angeli Supnet, abogado ni ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema kung kuwalipikado ang kanyang kliyente na maging representante ng Duterte Youth Partylist, ang tugon ng abogado ay hindi raw dahil edad 34 na nito. Hindi rin daw ito nakapagtapos sa kolehiyo kaya hindi rin pasok bilang "young professional".
Sablay yata ang pagkuha ni Cardema sa serbisyo ni Atty. Supnet kasi mismong abogado niya ang “naglaglag” sa kanya sa Comelec, saklap!
◘◘◘
TATAAS NA NAMAN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN—Mula ngayong araw ay tataas na naman daw ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa gasolina, tataas ito ng P0.30, sa diesel ay P0.55 at sa kerosene ay P0.45.
Dahil d’yan, asahan nang tataas na naman presyo ng mga pangunahing bilihin, hu-hu-hu!





Comments