Kagawad niratrat sa piyesta

UTAS ang barangay kagawad matapos pagbabarilin habang nakikipiyesta sa Masbate.
Dead-on-the-spot sa tatlong tama ng bala sa katawan si Domingo Barotil, 47, residente ng Bgy. Puting Bato, Esperanza.
Ayon kay Police Maj. Luisa Calubaquib, alas-10:30 ng gabi ng Linggo, dumalo sa piyesta ng kanilang barangay si Barotil nang lapitan ng hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril sa likod. Politika ang tinitingnang motibo sa paglikida sa biktima bagama’t, patuloy na sinisiyasat ang insidente.





Comments