Ilang 4Ps beneficiaries, namumroblema dahil sa delayed na pagtanggap ng cash grant
- Ryan B. Sison
- Jun 25, 2019
- 1 min read

MARAMI na ang nakinabang sa proyekto ng pamahalaan na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kung saan sakop nito ang pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan.
Gayunman, masamang balita dahil marami sa beneficiaries nito ang delayed kung makatanggap ng cash grant.
Ayon kay Pantawid Information Officer Jaecem Gaces ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ahensiyang namamahala sa 4Ps, wala pa umanong nailalabas na pondo ang Department of Budget and Management (DBM) kaya hindi rin nila sigurado kung kailan matatanggap ang abiso na puwede nang i-cash out ng mga benepisaryo ang nasabing pera.
Inamin ni Gaces, na may mga lugar at beneficiary na hindi nakatatanggap ng cash grant ng gobyerno sa tamang araw at ito ay dahil umano sa kawalan ng budget.
Samantala, paniguradong namumroblema ang mga Pinoy na kasapi rito dahil aminin man natin o hindi, isa ang 4Ps sa inaasahan nila, lalo na ngayong pasukan kaya kung palagi itong made-delay, malaking problema ang maidudulot nito sa kanila.
Kaya ang panawagan natin sa pamahalaan, bigyang-prayoridad ang 4Ps dahil malaki ang naitutulong nito para sa mga kapus-palad.
Dagdag pa rito, gamitin ang pondo ng bansa sa matalinong paraan at huwag sa “mema” lang!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments