top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

ArkAngel, 3rd place sa SEA Mobile Legends

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

HINDI pa rin ganap na dominado ng mga Pinoy ang pagiging adik sa mobile games dahil unang-una nang kinikilala ang Pilipinas bilang pinakamaraming gumagamit ng mobile phone sa buong Southeast Asia.

Kung sa nakaraang mga taon ay naghari ang all-Filipino squad of gamers, noong Linggo ay yumuko sa kampeonato ang mga pambato natin sa Mobile Legends Southeast Asia Cup laban sa Indonesia.

Matapos ang mainit na bakbakan sa torneo, hindi kinaya ng Pinoy squad ArkAngel ang matikas na paglalaro ng Indonesian squad na Louvre Esports, 2-0 at tapusin ang kampanya sa prestihiyosong e-sports championship na idinaos sa Smart Araneta Coliseum.

Nakadale lang ng 3rd place ang ArkAngel at nakapagbulsa ng cash prize na $10,000 (P530,000). Binutas ng Louvre ang pakpak ng ArkAngel na una nang sinugatan ang Pinoy sa upper bracket playoff round.

Nakalalamang na sana ang ArkAngel sa kaagahan ng ilang minuto sa Game 1 pero, binaligtad ng Louvre ang resulta ng mesa at iniwan ang Pinoy sa pagtigis ng dugo sa bakbakan. Nawalan kasi ng momentum ang Pinoy makaraan ang ilang technical difficulties sa game. Nakapag-overtake ang Louvre nang tumirik ang ArkAngel sa ikalawang laro at tuluyang winalis ang serye.

Noong Sabado pa lamang ay pinadapa na ang ArkAngel sa 2-1 kontra Louvre sa upper bracket playoffs.

Katulad din ng sinapit sa Bren Esports, nabigo ang ArkAngel na iwagayway ang bandila sa sariling balwarte nang mag-host ang Manila ng kauna-unahang torneo.

Inangkin ng Indonesian squad Onic Esports ang MSC 2019 Championship habang ang Louvre ay second place. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page