top of page
Pokwang.jpg

2019 BNTV CUP 9-STAG DERBY SISIPA SA HULYO 1

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

ISA sa mga pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas ay ang pagkakatatag ng BNTV Cup, isang labanan ng mga batang tinale na ginaganap mula Hulyo hanggang Setyembre.

Tinatawag na “early bird season” kung kailan ang mga sisiw na napisa sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay inilalaban. ang BNTV Cup ay nagbigay sa mga sabungan sa buong bansa ng patuloy na operasyon kahit pa sa panahon ng taglugon.

Nasa ikatlong taon na ang 2019 BNTV Cup na isa nang 9-Stag National Derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500) sa Araneta Coliseum).

Ang pinakahihintay na pagbubukas ay sa Hulyo 1 & 2 sa Smart Araneta Coliseum para sa simula ng dalawang buwan na 2-stag eliminations.

“Kinailangang gawin naming dalawang araw dahil sa rami ng gustong maglaban ng maaga sa Araneta na umabot na ng halos 200 ngayon,” pahayag ng organizer at Bakbakan Na TV host Joey Sy.

Sa Hulyo 11, magkakaroon ng isang ‘straight 5’ na labanan sa New Dauis Cockpit Arena, Bohol; na susundan ng regular na 2-stag elims sa mga sumusunod na lugar at petsa: Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 - San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 - Edward’s Coliseum, N. Ecija.

Sa Hulyo 23–27, limang araw na magkakasunod na eliminasyon ang gaganapin sa Manila Cockers Club sa Carmona, Cavite. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page