top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Pag guilty sa pagkamatay ni Eddie Garcia — DOLE | GOODBYE GMA 7!

Madel Moratillo
Jun 25, 2019
1 min read

INIIMBESTIGAHAN na ng Occu­pational Safety and Health Center (OSHC) ang nangyari sa shooting na naging dahilan ng pagka­matay ng be­teranong aktor na si Eddie Garcia.

Ayon kay Labor Secre­tary Silvestre Bello III, kung mapatutunayang nagkaroon ng kakulangan sa panig ng GMA Network, maaari aniya itong pagmultahin.

Matatandaang, si Garcia, 90-anyos ay tila napatid at natumba habang nasa taping para sa isang TV series noong Hunyo 8 sa Tondo, Manila.

Na-comatose ang aktor ng halos dalawang linggo ba­go tuluyang pumanaw.

Paliwanag ni Bello, sa ila­lim ng Occupational Safety and Health (OSH) Law, kailangan mayroong OSH officer sa bawat estab­lisimyento at kailangang matiyak na ligtas ang work­place at sumusunod sa health standards.

Sinabi pa ni Bello na ka­sama rin sa iimbestigahan ang first aid na ginawa sa ak­tor tulad ng kung tama ang pag­kahawak dito.

Kung mayroon aniyang safety and health officer ay maaaring nabigyan ito ng ta­mang treatment nang ma­ganap ang insidente.

Kung mapatutunayang nagkasala, maaari aniyang mag­sampa ng kasong admi­nistratibo ang OSHC laban sa network kahit hindi ka­sama ang pamilya ng aktor.

Maliban sa multa, maaari aniyang mapatawan ng ‘sus­pension of operations’ ang network depende sa kung gaano kabigat ang pag­ku­kulang nito. Samantala, P100,000 kada araw ang multa na ma­aaring ipataw.

Sinabi naman ni OSHC Executive Director Noel Bi­nag na kung ang panganib ay dahil sa pagkukulang ng em­ployer, maaaring ipatigil ang operasyon nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page