top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Political dynasties, huwag isisi sa mga botante!

Ryan B. Sison
Jun 24, 2019
1 min read

IISANG apelyido, iisa rin ang estilo, ganito ang nangyayari kapag magkaka­mag-anak ang namumuno sa gobyerno kung saan paulit-ulit ang mga kaga­napan at nauumay na ang ma­mamayan.

Gayunman, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang political dy­nasties ay totoong hindi nakabubuti sa bansa, pero kasalanan umano ito ng mga botante na naghahalal sa mga mag­kakamag-anak na kandidato.

Samantala, hindi dapat isisi sa mga botante ang nasabing isyu dahil hindi lingid sa ating kaalaman na maraming dayaang nagaganap tuwing halalan, nand’yan ang “vote-buying” na talamak noong nagdaang eleksiyon at kung umpisa pa lang ay hindi na pinapayagang tumakbo ang magkakamag-anak, eh, di walang dahilan para iboto sila ng taumbayan.

Dagdag pa rito, dahil may mga bo­tanteng kulang sa kaalaman, ang ibi­noboto na lang nila ay ‘yung kamag-anak ng kilala nilang politician hindi dahil ‘yun talaga ang gusto nila kundi dahil sikat ang apelyido at ang family background ay nababagay sa politika.

Ngayon, kung hindi pala nakabubuti ang political dynasties sa bansa, bakit hindi tuluyang ipatupad ang Senate Bill No. 1765 o ang Anti-Political Dynasty Act of 2018?

‘Ika nga, kung gusto natin ng pagba­bago, baguhin natin ang mga namumuno sa gobyerno at palitan ng mga taong desididong maglilingkod sa bayan nang tapat at walang halong panloloko.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page