Pedicab driver huli sa aktong nagsa-shabu

TIMBOG ang pedicab driver matapos mahuli sa aktong nagsa-shabu sa abandonadong palikuran sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas Maritime Police Station P/Capt. Ferdinand Hermoso ang suspek na si Marlon Olazo, 30, ng Dagat-Dagatan St., Tabing Ilog, NBBS.
Ani Navotas Maritime Police Investigator PSSg. Esmeraldo Absuela, Jr., alas-10:40 ng umaga, nagpapatrulya sa NFPC compound ang mga security guard na sina Mark Anthony Acuesa, 34, at Niko Milante, 29, nang makaamoy umano ang mga ito ng nasusunog na aluminum foil.
Nang puntahan ang pinanggalingan ng amoy, naaktuhan ng dalawang sekyu ang suspek sa isang abandonadong palikuran sa Banera St. na sumisinghot ng shabu.
Nakumpiska sa suspek ang nakabukas na sachet at ilang drug paraphernalias.





Comments