top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para walang gulo, sistema ng ibang bansa gayahin | Pangulo at bise, dapat magkapartido

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
2 min read

ANG bise-presidente nating si Leni Robredo ay malaking aral sa atin na kinakailangang palitan na ang ating Konstitusyon. Tularan natin ang sistema sa Estados Unidos na hindi hiwalay ini­hahalal ang bise-presidente.

Ibig sabihin, ang bise-presidente ay kakampi niya at hindi galing sa ibang kampo. Halimbawa, kung tutularan natin ang sistema sa Estados Unidos, ang bise-presidente natin sana ay si Alan Peter Cayetano na katambal noon ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero si VP Leni ang nanalo dahil hiwalay ang halalan ng da­lawang posisyon.

Sa totoo lang, wala tayong bilib kay Caye­tano, pero kung siya ang bise-presidente, pani­guradong malaki ang maitutulong nito sa pa­ngulo sa pagtugon ng mga proyektong makabu­buti sa ating bayan.

Ang nangyayari ngayon, nasasayang ang ibinabayad kay VP Leni dahil halos wala itong ginawa mula noong 2016 kundi ang guluhin si Pangulong Duterte.

Imbes na suportahan ang pangulo sa mga proyekto nito ay pamumuna at pagkontra lang ang ginawa niya para masira ang imahe ng pangulo sa madla.

Noong Enero, mayroon itong video kung saan ipinaabot daw niya sa United Nations na grabe na raw ang pagpatay ng pulisya sa mga diumano’y “napagkakamalang adik o tulak”, anong klaseng bise-presidente ‘yan?

Maiintindihan ninyo ang pagkamuhi natin kay VP Leni kung iisipin natin ang mga nakara­ang bise-presidente mula noong 1986.

Matatandaang, si Salvador Laurel ay bise-presidente ni ex-P-Cory Aquino mula 1986. Noong hindi niya nakasundo si ex-P-Cory, kusa na lang siyang nanahimik.

Hindi siya tumuligsa tulad ng ginagawa ni VP Leni kay Pangulong Duterte. Si ex-P-Joseph “Erap” Estrada na hindi kapartido ni ex-P-FVR.

Noong naihalal siyang bise-presidente ay malaki ang ambag nito sa Presidential Anti-Crime Commission. Gayundin, si ex-P-GMA na hindi kapartido ni ex-P-Estrada, pero tumulong sa kanya bilang kalihim ng Department Social Welfare and De­velopment.

Umalis lang si ex-P-GMA noon dahil ma­linaw ang hatol ng taumbayan na dapat bumaba si ex-P-Estrada dahil nabuking ang grabeng korupsiyon sa kanyang adminis­trasyon.

Samantala, si Teofisto Guingona ay naging secretary of foreign affairs ni ex-P-GMA habang si Kabayang Noli de Castro ay napakahusay na kasama ni ex-P-GMA sa kanyang pama­hala­an at nagpatakbo ng mga ahensiyang nama­mahala sa housing program ng pangulo.

Ibang-iba sa mga naging bise-presidente ng Republika si VP Leni, parang nagmamadali siyang maging pangulo kaya katulong ng di­lawan, todo-kontra ito at tila isa siya sa malupit na kritiko ng pangulo na nangangarap mag­karoon ng rebolusyon.

Kung iisipin, binigyan si VP Leni ng posis­yon ni Pangulong Duterte noong Hulyo 2016 bilang pinuno ng Housing and Urban Deve­lopment Coordinating Council, pero hindi siya nakikipagkoordina sa pangulo at mas pinipili ang sariling lakad para maging “high-profile” at umaasang matatabunan ang pangulo sa popularidad.

Maraming ulat kay Pangulong Duterte na ikinukuwento raw ni VP Leni nang palihim sa dilawan ang detalye ng mga nangyayari sa meeting ng gabinete para makahanap sila ng paraan para siraan ang pangulo, mabuti na lang at hindi engot ang pangulo kaya noong Disyembre 2016, pinagsabihan siya na huwag nang dumalo sa mga meeting ng gabinete.

Sa yabang niya, nag-resign siya sa ga­binete ng pangulo at mula noon ay walang ginawa si VP Leni kundi ang batikusin ang pangulo.

Hindi dapat mangyari ulit ang ganitong “Robredo” sa ating pamahalaan.

Hindi lang sayang ang milyones na pasu­weldo sa kanya at gastusin ng kanyang opisina napakalaking hadlang pa niya sa pagsa­saayos ni Pangulong Duterte ng ating bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page