Nag-away, kinatay sa damuhan | ESTUDYANTE TODAS SA BF

SINAKSAK hanggang sa mapatay ang 18-anyos na estudyante ng kanya umanong kasintahan sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Grace Ruth Seguerra, ng Bgy. Cupang, Muntinlupa City.
Arestado naman ang suspek na sinasabing nobyo ng biktima na si Ashlanie Birol, 18, estudyante, ng Bgy. Alabang.
Sa pagsisiyasat nina PCMS. Manuel Amodia, Jr. at PSSG. Trefilo A. Tingal, natagpuan ng tinderang si Mary Grace Belediano ang duguang bangkay ng dalaga sa madamong lugar sa Bgy. Bayanan alas-8:30 ng gabi.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, habang nagtitinda ng softdrinks at biskuwit si Belediano sa lugar nang makarinig ito ng nagsisigawan at nag-aaway mula sa hagdan ng Baywalk.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ni Belediano ang suspek na nagmamadaling umalis sa lugar na may sugat sa mukha at maraming dugo sa katawan.
Dahil dito, tiningnan ni Belediano ang lugar at nakita niya sa damuhan ang biktimang dalaga na duguan.
Agad humingi ng tulong ang tindera sa mga tauhan ng Police Community Precinct 2 na sanhi ng agarang pagkakaaresto ng suspek na hindi pa nakalalayo sa nasabing lugar.
Sa report ng pulisya, isang crime of passion ang naturang kaso.





Comments