top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit may krisis sa tubig | BASAAN FESTIVAL, TULOY

  • Madel Moratillo
  • Jun 24, 2019
  • 1 min read

KAHIT may krisis sa tu­big, tuloy ang tradisyunal na Wattah, Wattah Festival o Basaan Festival sa San Juan City ngayong araw.

Ayon kay outgoing San Juan City Mayor Guia Go­mez, dapat maipagpatuloy ang relihiyosong selebras­yon na bahagi ng kultura at tu­rismo ng lungsod.

Gayunman, sa halip na sa Tanghalan ng Masa, sa Pinaglabanan Shrine gaga­win ang tradisyunal na ba­saan.

Ito ay dahil sa inaasahan aniya ang mas maraming ta­ong makikilahok sa pagdiri­wang.

Samantala, sa pagsisi­mula ng selebrasyon, nag­da­os ang lokal na pamahalaan ng online water conservation campaign upang ma-educate ang mga residente sa kaha­lagahan ng tubig sa kanilang buhay.

Gagamit lang umano sila ngayong taon ng 16 na trak ng tubig, kumpara sa 50 trucks na dati nilang gina­gamit.

Ayon kay P/Col. Ariel Fulo, nakaalerto ang buong puwersa ng San Juan City Po­lice para sa selebrasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page