Gustong malaman ang dapat gawin kapag naglayas ang kanyang foster child
- BULGAR

- Jun 24, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Ako ay foster parent at nais kong malaman kung ano ang dapat kong gawin kapag naglayas ang aking foster child? — Jim
Dear Jim,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 13 ng Republic Act No. 10165 o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012 kung saan nakasaad na:
“Section 13. Supervision of Foster Placement. – Supervised foster placement begins as soon as the foster parent receives the child into his care. During the foster placement, the social worker shall conduct regular home visits to monitor the child’s adjustment in the foster home and shall submit progress reports to the DSWD.
In case of incident, injury or death of a foster child, or if he runs away or gets lost, such case shall be reported immediately to the agency, which, in turn, shall immediately report the same to the DSWD.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw sa batas na sa pagkakataon na maglayas ang foster child, nararapat lamang na mai-report ninyo ito sa inyong agency o ang itinalagang institusyon na may hawak ng foster care program kung saan kayo kabilang, sila ang may tungkulin na mag-report tungkol sa pangyayari sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments