top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DATING CHAIRMANSHIP NG POC, KIKILALANIN PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24, 2019
  • 1 min read

PATULOY na kikilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) si Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano bilang chairman ng ad hoc committee para sa nakatakdang hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Joey Romasanta, ang bagong pangulo ng POC, mananatili si Cayetano bilang chairman ng organizing body sa bisa ng appointment dito ni dating POC chief Jose Cojuangco.

Ngunit sa pagkakataong ito, ang Phisgoc ay kikilos bilang isang committee sa ilalim ng Olympic council rule at hindi bilang chief ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), taliwas sa binuong Phisgoc Foundation ni Cayetano na dapat aniyang manguna sa pag-organisa ng biennial games kahit walang pahintulot ng POC Board.

Kasama ni Cayetano sa nasabing Phisgoc Foundation sina Ramon Suzara, Donaldo Caringal, Dexter Estacio, Monica Anne Mitra ang nagbitiw na POC president na si Ricky Vargas, POC secretary general Patrick Gregorio, POC communications director Ed Picson at dating POC chairman Tom Carrasco.

Sinaklaw ng Phisgoc Foundation ang tungkulin ng POC at gumawa ng ilang krusyal na desisyon hinggil sa hosting gaya ng paglikha ng Games’ official logo, theme, mascot at iba pang marketing collaterals.

May mga ipinasok din silang kontrata at ngayo’y napagbubuntunan ng sisi sa mabagal na buildup kaugnay ng SEA Games gaya ng mga pangunahing pangangailangan na kinabibilangan ng transportasyon, accommodation, sponsorship, marketing campaign, venues, volunteer program, parade uniform at technical handbook. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page