top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BOWLES, NANGALABAW; CASTRO OUT NA SA GILAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24, 2019
  • 2 min read

DUMAAN sa butas ng karayom ang Rain or Shine Elasto Painters bago ipininta ang 88-86 overtime win laban sa makukulit na Columbian Dyip sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Batangas City Coliseum.

Nangalabaw si import Denzel Bowles ng 29 points, 14 rebounds, 10 assists at dalawang blocks upang tulungan ang Elasto Painters na ilista ang 3-3 karta.

Nalasap naman ng Dyip ang pangatlong sunod na talo, tangan nila ang 1-6 baraha. Nalamangan ang Rain or Shine sa first canto, 22-27 subalit biglang uminit ang kanilang opensa sa second upang hawakan ang limang puntos na bentahe, 44-39 sa halftime. Hindi nagpaiwan ang Dyip sa third quarter, kumana ng 23-18 para itabla ang iskor sa 62-all papasok ng fourth.

Samantala, naghahagilap ang Gilas Pilipinas ng ipantatapat sa kalibre ni Jayson Castro matapos magdesisyon ang tigasing point guard ng TNT KaTropa na pahinga na siya sa paglalaro sa national team matapos ang anim na taong serbisyo.

Aatake ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Balak nang isabit ni 32-year-old Castro ang Gilas jersey at pagtuunan ang kanyang pamilya. Noong nakaraang Sabado ay ikinasal na siya sa long time partner na si Lyle.

Nakausap na raw niya sina coach Yeng Guiao, Samahang Basketbol ng Pilipinas at pati si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan para ipaalam ang desisyon. “Sabi ko sa kanila, I want to focus muna sa family ko kasi almost seven years na non-stop basketball,” hayag ni Castro. “Siguro, it’s time to give the younger guys naman the chance.”

Ayon pa kay Castro, ready na ang ibang point guards na humalili sa kanya. (ATD)

Mga laro sa Miyerkules: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Phoenix Fuel Masters vs NorthPort

7:00 p.m. - San Miguel Beer vs Magnolia

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page