Absenerong cong., walang 'K' maging Speaker, period!
- BULGAR

- Jun 24, 2019
- 2 min read
SINISIKAP ni Pangulong Rodrigo Duterte na maareglo na ang girian sa Kamara.
Ayon sa insider, aprubado na sa kanya ang term sharing na iminungkahi mismo ni Rep. Lord Allan Velasco kahati si Rep. Alan Peter Cayetano!
◘◘◘
PERO, bigla ring umatras si Rep. Velasco nang sorpresang pumayag si P-Digong.
Bakit? Sapagkat si Rep. Cayetano ang unang mauupo bilang Speaker.
He-he-he!
◘◘◘
NANINIWALA ang political analyst na si Ranjit Rye na overconfident si Rep. Velasco, gayung wala siyang maipagmamalaking track record sa 16th at 17th Congress.
Sinasabing dalawang beses lang nakadalo sa sesyon si Rep. Velasco sa 16th Congress at halos kalahati lang ang kanyang nadaluhan sa 17th Congress.
Bakit nais niyang mamuno sa 18th Congress kung absenero pala siya?
◘◘◘
LUMALAKAS ang loob ni Rep. Velasco kasi konektado siya sa anak ni P-Digong at sa isang business tycoon.
Kumbaga, dapat kuwalipikasyon at hindi koneksiyon ang batayan ng mauupong Speaker sa Kamara!
◘◘◘
SANG-AYON tayo sa isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) na PUV (Public Utility Vehicle) Modernization Program.
Dapat magkaroon ng makabago, malinis at maayos na mga pampublikong sasakyan!
◘◘◘
PERO, bakit mabagal ang Land Transportation Office (LTO) sa makabagong Motor Vehicle Inspection Centers (MVICs) para sa computerize testing ng sasakyan?
Pinayagan naman ng DOTr na makapasok ang pribadong sektor at tinawag itong Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC)!
◘◘◘
SINABI ni LTO Chief Edgar Galvante, 15 pa lang ang kanilang nabigyan ng notice to proceed. Target ng LTO na maglagay ng 138 PMVIC with modern and fully computerized facility sa buong bansa.
Hindi raw kailangan ang bidding dahil walang pondo ng gobyerno na gagamitin kundi investment ito ng pribadong kompanya!
◘◘◘
DAPAT nang kumilos si DOTr Sec. Arthur Tugade para mapabilis ang proseso.
May nagrereklamo na ilang beses nang binabago o nire-revise ang guidelines para sa private inspection centers!
◘◘◘
Ang investments ay tinatayang nasa P20 million hanggang P40 million, depende sa land and equipment acquisition costs.
Ang “red tape” ay sintomas ng korupsiyon sa burukrasya.
Bakit itinetengga, sino kaya ang balak mangotong dito?





Comments