SOLTONES AT SINGH, BIDA VS. SLR SA PSL
- BULGAR

- Jun 23, 2019
- 2 min read

IMUS CITY - Nakapagpag ng kalawang sa simula ang PLDT Home Fibr upang manaig sa Sta. Lucia, 22-25, 20-25, 25-16, 25-20, 15-8, at nakatuntong na sa win column ng Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Imus Sports Center dito.
Sumiklab ang laro ni Jorelle Singh upang makapuwersa ng deciding 5th set bago tuluyang gawin ang game-winning attack upang akayin ang Power Hitters sa unang panalo sa prestihiyosong women’s club tourney.
Namuno si Gretchel Soltones sa bisa ng 16 kills, 2 aces at block, 19 points, 19 digs at 18 excellent receptions habang pinatunayan ni Singh ang kanyang tikas nang umariba ng 16 hits na ikinatuwa ni seasoned mentor Roger Gorayeb. “I was looking for the right combination. I already shuffled my whole lineup to find it. I’m glad that Jorelle delivered,” ani Gorayeb tungkol kay Singh na hindi bahagi ng roster sa Grand Prix. “Jorelle is not lucky to be part of this team. She deserves it because she’s really good. She can kill the ball and outplay the blockers despite being small.”
Lumagare rin sina Joyce Sta. Rita at Shola Alvarez sa bisa ng tig-8 points habang si setter Jasmine Nabor ay nakagawa ng 25 excellent sets at 3 points nang makaresbak ang PLDT sa unang pagkatalo sa F2 Logistics, 15-25, 25-27-25, 22-25 noong Martes. Dinomina ng Lady Realtors ang unang dalawang sets pero nahablot ng Power Hitters ang momentum at nakontrol ang ikatlo at 4th set na pinagbidahan ni Singh sa krusyal niyang buwelta.
Kumulapso ang Sta. Lucia sa 5th set sa kabuuang 6 sa may 48 errors, upang mapunta sa PLDT ang 11-4 lead at bigyang tsansa si Singh sa game-winning hit.
Nasayang ang banat ni MJ Phillips na 19 puntos habang si Rachel Austero ay nakagawa ng 17, may 14 markers naman si Pam Lastimosa para sa Lady Realtors, impresibo rin ang performance nina Joy Dacoron at Amanda Villanueva. Lagpak ang Lady Realtors sa 1-2, win-loss. (VA/MC)





Comments