Rider todas sa jeep
SORSOGON—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Payawin, Gubat lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Rustico Estabaya, nakatira sa Bgy. Cogon sa nasabing bayan.
Ayon sa mga saksi, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng jeep si Rosauro Espiel kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Estabaya.
Nabatid na dinala pa ng mga saksi si Estabaya sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Espiel.





Comments