top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PUKPUKAN NA SA SEMIS ANG SMB AT MILKMEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2019
  • 2 min read

CHAMPIONSHIP round ang pakay ng top seed San Miguel Beer at second seeded Alaska sa sandaling magtagumpay sa kani-kanilang semis rivals ngayon sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff sa Pasig City Sports Center.

Makahaharap ng Beermen ang win-less Purefoods Hotdogs ng 1:30 p.m. kasunod ng 12 noon encounter sa pagitan ng Alaska Milkmen at Ginebra San

Miguel Kings. Ang laban ay magsisimula ng 3 p.m. at mapapanood sa UNTV. Parehong kailangan ng San Miguel at Alaska na talunin ang karibal para maisaayos ang kanilang title showdown makaraang tumapos sa 1-2 sa short elims ng four-team tournament na hangad matulungan ang PBA Legends Foundation na pinamumunuan ni dating PBA hotshot Atoy Co.

Sinabi ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon na ang pinagsamang premyong P2-million ay mapupunta sa PBA Legends Foundation upang matulungan ang mga dating pro players na may mga sakit at kailangan ng pinansiyal na tulong para sa edukasyon ng mga anak.

Mamumuno sa San Miguel si Allan Caidic na bumanat ng 32 points sa impresibong 9-of-13 shooting mula sa three-point zone noong Father’s Day nang idemolis ang Gin Kings, 135-107. Inaasahan din ang tulong nina Nic Belasco at Chris Calaguio na may pinagsamang walong tres habang sina Kiko Adriano, Danny Seigle at Danny Ildefonso ay abangan din sa Beermen.

Kailangan din ni 4-time MVP winner Alvin Patrimonio ang tulong ng teammates na sina Jerry Codiñera, Glenn Capacio, Roger Yap at Dindo Pumaren para sa rubber match ng serye. Ang Milkmen, sa kabilang banda, ay aasa rin sa razzle-dazzle performance ni Johnny Abarrientos kontra Gin Kings. Nakagawa si Abarrientos ng 16 assists at 25 points na may mga tres para sa 92-70 win nang papakin ang Hotdogs noong Linggo. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page