top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paghahanda laban sa banta ng krisis sa tubig para sa mga susunod na henerasyon, gawin na ngayon!

  • Ryan B. Sison
  • Jun 23, 2019
  • 1 min read

DAHIL dumaranas ng krisis sa tubig ang karamihan sa atin ngayon, sinabi ni Senator Grace Poe na dapat nang magkaroon ng pag-aaral para matiyak ang pangmatagalang suplay ng malinis na tubig sa buong bansa, par­tikular sa Metro Manila.

Ito ay para na rin makaiwas tayo sa mga sakit na may kinalaman sa tubig tu­lad ng cholera, diarrhea at amoebia­sis kung saan dapat talagang ma­ka­hanap ng pagkukuhanan ng malinis na tubig nang walang masamang epekto sa kalikasan.

Gayunman, paniguradong kaka­ilanganin ng malaking halaga ng pera para magawa ito, subalit, nakasalalay na rin umano rito ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon, kaya ti­yak na may mapupuntahan ang pon­dong gagamitin.

Sa totoo lang, magiging posible ang ganitong paraan, lalo na kung tayo ay makikipagtulungan kung saan matu­tuto tayong magtipid ng tubig at mag­linis ng paligid.

Samantala, paalala sa publiko, kung sakaling may magrarasyon ng tubig sa inyong lugar, siguraduhing malinis ito at huwag makipag-away, lalo na kung nagkaubusan dahil walang proble­mang hindi kayang solusyunan basta tayo ay marunong makisama sa ating mga ka­pitbahay.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page