top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pabrika ng posporo nasunog, 30 nalitson

Jersey Sanchez
Jun 23, 2019
1 min read

SUMIKLAB ang sunog sa bahay na ginagamit na pabrika ng posporo na ikinasawi ng 30 katao sa North Sumatra, Indonesia.

Ayon kay Irwan Syahri ng local disaster mitigation agency ng Langkat District, kabilang sa mga nasawi ang tatlong menor-de-edad habang hindi makilala ang karamihan dahil nasunog ang mga ito.

Ayon sa mga awtoridad, sinabi ng asawa ng isa sa mga nasawi, puro babae ang nagtatrabaho sa pabrika kung saan ilan sa kanila ay nagdadala ng kanilang mga anak.

Samantala, ayon kay M.P. Nainggolan, tagapagsalita ng North Sumatra Police, hindi pa malinaw ang sanhi ng sunog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page