top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Digong, hate ang drugs pero, mga tulak nagkalat sa paligid ng Malacañang, ngek!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2019
  • 2 min read

AFP NA DAPAT TAGAPAG­TANG­GOL NG BANSA AT NG MGA PI­NOY, PRO-CHINA NA RIN? — Ang misyon ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) ay “Protect the people, secure the sovereignty of the state and the integrity of the natio­nal territory.”

Kaya lang, tila wala nang silbi ang mandato nilang ito kasi sa kabila ng insidente ng pagbangga at pagpa­palubog ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa karagatang sakop ng Pilipinas ay porke ‘pro-China’ si P-Duterte, tila sa mga Chinese pa kumikiling ang AFP nang sabihin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na aksidente lang daw ang naganap na “banggaan” sa West Philippine Sea (WPS), buwisit!

◘◘◘

DINOBLENG SUWELDO NG MGA SUNDALO, IBALIK SA DATI — Kung magpapaka-pro-China na rin ang AFP at wala na itong pla­nong ipagtanggol ang mga Pinoy at teri­toryo ng bansa laban sa China, aba, dapat ang dinobleng suweldo ng mga sundalo ay ibalik sa dati.

Kasi hindi naman pera ni P-Du­terte at lalong hindi pera ng China ang ipinansusuweldo sa mga sun­dalo kundi pera ng sambayanang Pi­lipino, period!

◘◘◘

MAHIRAP SA MGA PINOY NA MABAWI ANG MGA TERITORYO SA WPS KASI MISMONG PA­NGULO NG PILIPINAS ANG KA­KAMPI NG CHINA — Kahit nanalo na sa kaso at may desisyon na ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations (UN) na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, na­pakahirap pa rin para sa mga Pili­pino na mabawi mga teritoryo ng Pilipinas na sinakop na ng China.

Ang dahilan, tila lumalabas na mismong pangulo ng Pilipinas ang kakampi ng China, hu-hu-hu!

◘◘◘

BENTAHAN NG SHABU SA COMPOUND NG MALACAÑANG, BUKING! — Siyam na drug pus­hers ang inaresto ng NBI nang ma­huli sa aktong nagbebenta ng shabu sa loob mismo ng Malacañang Com­plex.

Ano ang sabi ni P-Duterte, hate raw niya ang illegal drugs?

Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page