Nilamon ng panggiling ng karne | LALAKI NAGING LONGGANISA

TODAS ang 18-anyos na lalaki makaraang lamunin ng makinang panggiling ng karne ang kalahati ng kanyang katawan sa Iloilo City.
Kinilala ang biktima na si Jomar Julbo, trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Bgy. Mansaya-Lapus.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, aksidenteng naipasok ni Julbo ang kanyang kanang kamay sa makina at hindi na niya nahila ito.
Dahil sa lakas ng puwersa ng makina, tuluyang nahatak ang katawan ni Julbo hanggang sa lamunin ang kalahati ng kanyang katawan bago tumigil ang makina.
Nadiskubre na lamang ng kanyang mga kasamahan ang disgrasyang inabot ng binatilyo at agad na nagpasaklolo upang maialis ang natitirang bahagi ng katawan nito.
Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang insidente at inaalam kung mayroong dapat managot sa pangyayari.





Comments