top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Diplomatic passports sa mga dating DFA secretaries, ambassadors kinansela

G. Pleñago
Jun 23, 2019
1 min read

KINANSELA na ng pa­mahalaan ang lahat na inis­yung diplomatic pass­ports ng mga dating kalihim ng Department of Foreign Af­fairs (DFA) maging ang mga da­ting ambassador matapos ang nangyari kay dating DFA Secretary Albert del Ro­sario nang harangin at hin­di payagang makapasok sa Hong Kong.

“The DFA Office of Con­sular Affairs (OCA) will be issuing an order shortly, can­celling all courtesy diplomatic passports,” ayon sa DFA.

Ito ay makaraang sabihin ng Malacañang na hindi ginamit nang tama ni Del Ro­sario ang diplomatic pass­port sa pagtungo niya sa HK.

Ayon sa ahensiya, nag-iisyu na sila ng diplomatic passport mula pa noong 1993 sa mga dating DFA secretary at ambassador.

Aminado rin sila na inis­yuhan nito si Del Rosario noong Disyembre 20, 2016 na inaprubahan ni dating Secretary Perfecto Yasay, Jr. at may bisa hanggang Dis­yembre 19, 2021.

Nitong Hunyo 18, na-re­validate ang pasaporte ni Del Rosario ng DFA Office of the Consular Affairs- Diplo­matic and Official Passport Section para sa ‘business trip’ sa HK.

Gayunman, diin ng DFA na ang pag-iisyu ng diplo­matic passport ay upang big­yan lamang sila ng karani­wang prebilehiyo sa ‘immig­ra­tion points’ sa ibang bansa.

Ani Del Rosario, ito ang unang pagkakataon na hindi siya pinayagang makapasok sa HK makaraang pamunu­an niya at ni dating Ombuds­man Conchita Carpio-Mora­les ang pagsasampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jingping sa International Criminal Court.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page