Sawang-sawa na raw sa mukha nila... OGIE AT REGINE, TINAWAG NA PANGIT NA GURANG NG NETIZEN, NAPIKON,

Nitz Miralles / BIDA

NAG-AGREE si Lea Salonga sa ipinost ni Regine Velasquez-Alcasid na… “Ok just want to say sa mga nakikitingin ng videos at pictures ng mga artista, kung ayaw n’yo makita mga pagmumukha namin, why are you guys following us??!!! Ba’t kayo magtataka puro mukha namin ang ‘andu’n??? Ah, nag-iisip ba KAYO????”
Comment ni Lea, “May point si Ate. Basahin niyo po ito. Salamat.”
Kaugnay ito ng ipinost ni Ogie Alcasid na pictures niya sa Instagram (IG) kasama si Regine at may nag-comment ng “Nakakasawa na ito, pangit na gurang.”
Hindi nakapagpigil si Regine at sumagot ng... “Eh, siyempre, account n’ya ‘to, eh, sino gusto mo makita, mukha mo??? Kung ayaw mo makita kaming mga gurang, try mo kayang ‘wag magpunta dito, ha!!!”
Sinundan ‘yun ng comment ni Ogie na… “2 pangit na gurang. Hmmmm... that did not even sting. Not one bit pls. try again. Remember, God loves you.”
Dinelete ni Ogie ang comment ng basher na patuloy na niraratratan ng mga followers nila ni Regine. Kasi naman, nagsasawa na raw siya kina Ogie at Regine, pero punta pa rin nang punta sa IG ng mag-asawa.
Samantala, ipinost ni Ogie ang poster ng pelikulang Family History nina Michael V. at Dawn Zulueta. Sabi ni Ogie, “Beautiful film this is!! Proud brother I am!! Go!” na sinagot ni Michael V. ng, “Thanks brod! We’d be honored to have you and @reginevalcasid sa premiere. See you!”
Sumagot din si Dawn ng, “Thank you, Ogie-bear! @ogiealcasid.”
Ang balita namin, sa July 23 o baka mas maaga pa sa nasabing petsa ang premiere night ng Family History na produced ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment Productions na film company ni Michael. V at ng wife niyang si Carol Bunagan.
Ayan, imbitado sina Ogie at Regine sa premiere night at dahil co-produced ito ng GMA Pictures, present din ang mga Kapuso executives. Sa presscon pa ng movie malalaman kung kailan ang premiere night.





Comments