Lola tinodas ng riding-in-tandem
NUEVA ECIJA—Isang 69-anyos na lola ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Pulong-Buli, Sto. Domingo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Melinda Tamayo, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na nakaupo umano si Tamayo sa labas ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments