Excited nang mapalipad mag-isa ang chopper niya… WILLIE, NAG-AARAL MAGING PILOTO
- BULGAR

- Jun 22, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

ILANG taon na rin naman nang unang magkaroon ng sariling sasakyang panghimpapawid ang Wowowin host na si Willie Revillame, Wowowee days pa niya nu’ng nasa ABS-CBN siya.
Pero, lately lang nag-aral ng pagka-piloto ang TV host.
Ani Kuya Wil, “I am attending a ground schooling,” at tatlong piloto raw ang nagtuturo sa kanya.
“Three captain pilots are teaching me how to fly. Hopefully, I can fly alone after my training. I still have five training days. All in all, I should complete 40 hours so that I can fly alone.”
Pagmamalaki pa ng Wowowin host, marunong na siyang magpalipad at magpa-landing ng chopper.
Malapit na raw makitang siya na ang nagpapalipad ng kanyang chopper.
“Up, up, up and away! Come fly with me! Fly me to the moon!” sambit pa ni Kuya Wil sa isang panayam.





Comments