top of page

Dahilan ng sobrang pagpapawis ng katawan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Grabe akong pagpawisan, ‘yung tipong kahit wala naman akong ginawang mabigat na bagay ay pinagpapawisan agad ang katawan ko, gayundin, kahit katatapos ko lang maligo. Minsan, iniisip ko baka may mali sa katawan ko. Gusto kong malaman kung normal lang ba ang ganito, ano kaya ang ibig sabihin nito? — Sandra

Sagot

Ang pagpapawis ay normal na nangyayari sa katawan ng tao. Mahalaga ito para ma-regulate ang temperatura ng katawan, pero ang labis na pagpapawis ay indikasyon na maaaring may medical problem ang indibidwal. Ang labis na pagpapawis ay dahilan para mawala ang maraming asin sa katawan na nauuwi sa dehydration.

Ayon sa pag-aaral, palatandaan ng sakit ang labis na pagpapawis. Isa ito sa mga sintomas ng overactive thyroid gland kung saan nag-i-increase ang metabolic rate ng katawan. Ang metabolic rate ay ang bilis nang pagsunog ng pagkain at oxygen para makapagbigay ng energy. Gayundin, sintomas nang labis na pagpapawis ang mabilis na tibok ng pulso, labis na pagbaba ng timbang, pagkairitable at ang pag-increased ng appetite.

Gayunman, makabubuti sa mga moderately active adult ang pag-inom nang maraming tubig sa isang araw para mabawi ang nawalang fluid.

Samantala, sa mga athlete at sobrang aktibong tao, pinapayuhan silang uminom nang mas maraming tubig sa bawat oras ng kanilang aktibidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page