Babaeng natatakot mamatay nang dahil sa sakit

Dear Roma,
Ako si Anncre, 26 years old. May isa akong anak na lalaki, pero hiwalay ako sa tatay niya. Sa ngayon ay mayroon akong Stage 5 chronic kidney disease at natatakot ako dahil maliit pa ang anak ko. Hindi ko alam kung sino ang mag-aalaga sa kanya kapag nawala na ako. Gusto kong magpapayo sa inyo at magpa-encourage para ganahan akong mabuhay at magpagaling. Salamat! — Anncre
Anncre,
Alam mo, huwag mong isipin na mawawala ka na, ang itatak mo sa isipan mo ay kailangan mong magpagaling at magpalakas para sa anak mo. Marahil, nahihirapan ka dahil hindi biro ang pinagdaraanan mo, naniniwala kaming malalagpasan mo ‘yan basta nananalig ka sa Diyos at gagawin mo ang lahat para gumaling ka alang-alang na rin sa anak mo. Kaya mo ‘yan! Gagaling ka! In Jesus Name, Amen! God bless sa iyo!





Comments