top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sanhi ng pananakit ng sakong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Halos nadoble ang aking timbang mula nang ako ay manganak sa aking panganay. Nang makapanganak ako ay nakaramdam ako ng pananakit ng sakong, dahil dito ay hirap akong maglakad mula sa matagal na pagkakaupo. Ano ba ang maaari kong gawin para mabawasan ang pananakit nito? — Jenny

Sagot

Ang sakong o heel ay makikita sa likurang bahagi ng mga paa, sa bandang ilalim at likuran ng bukung-bukong. Ang timbang ng buong katawan ay nakatuon sa mga paa, samantalang, ang sakong naman ay ang nagtataguyod at nagsisilbing unan sa pagkabigla ng katawan.

Parte ng sakong:

  • Calcaneus – ang aktuwal na buto ng sakong. Binubuo nito ang pundasyon na sumusuporta sa buong katawan ng tao at humuhugis sa anyo ng sakong. Ang butong ito rin ay nakaugnay sa tibia at fibula, ang dalawang pangu­nahing buto sa mababang binti at guma­gawa ng batayan para sa kasukasuan ng bukung-bukong.

  • Achilles tendon – ang nagdu­rugtong sa calf muscle patungong sakong. Ito rin ang litid na humahatak sa sakong upang itulak pababa ang mga paa kapag ang calf muscle ay umiksi. Isa ito sa pinakamakapal na litid sa katawan ng tao na tumutulong sa paglalakad, pagtakbo at paggalaw.

  • Bursal sac – ang nakatuon sa pagitan ng achilles tendon at ng sakong. Isa itong lukbot ng likido na huma­hadlang sa paggasgas ng achilles tendon sa buto at sa paglikha ng sakit o ng salungatan.

  • Fat pad – ang pumoprotekta at nagsisilbing unan ng sakong. Literal itong patong ng taba sa pagitan ng buto ng sakong at balat.

  • Makapal na balat – ang panlabas na suson na pumoprotekta sa sakong. Ang balat na ito ay kumakapal batay sa tindi ng paggamit dahil posibleng kalyuhin ang mga paa ng taong walang sapin ang mga paa.

  • Ang pananakit ng sakong ay karaniwang nararamdaman dahil sa bigat o timbang ng buong katawan.

Narito ang mga dapat gawin upang hindi lumala ang pananakit ng sakong:

  • Maaaring gumamit ng 3/8 pulgada o ½ pulgadang heel inserts.

  • Pag-unat ng achilles tendon sa pamamagitan ng paghilig nang pasulong sa pader gamit ang mga paa na nakapantay sa sahig at nakataas ang sakong ng may heel insert.

  • Pag-inom ng non-steroidal anti-inflammatory drugs para sa sakit at pamamaga.

  • Paglalagay ng yelo sa likod ng sakong upang mabawasan ang pamamaga nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page