top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para matapos na ang isyu sa pagiging representative ni Cardema, Duterte Youth Partylist, ibasura na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2019
  • 2 min read

NANG MAGSIPSIP SI SEN. GORDON, TAPOS NA ANG ISYU SA “BANGGAAN” NG CHINESE VES­SEL AT BANGKANG-PANGISDA NG MGA PINOY — Sabi ni Sen. Ri­chard Gordon, huwag daw puwersa­­hin ng publiko si P-Duterte na mag­salita tungkol sa “banggaan” ng Chi­nese militia vessel at bangkang-pa­ngisda ng mga Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).

Huli na ang pahabol na paninipsip ni Sen. Gordon sa pangulo kasi tapos na ang isyu, hindi na magrereklamo laban sa China ang 22 mangingisda da­hil binigyan na sila ng gobyerno ng tig-iisang bangka, bigas at cash, boom!

◘◘◘

DUTERTE YOUTH PARTYLIST, IBASURA! — Nagpahayag ng pag­kainis si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, ang Kabataan Partylist, Millennials PH Youth Group, Comelec lawyers at iba pang sektor ng lipunan kay ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema dahil pinagpipilitan nitong siya ang dapat maging repre­sentante ng Duterte Youth Partylist kahit edad 34 siya na ibig sabihin hin­di na siya “youth”.

Para matapos na ang isyung ito, ang dapat gawin ng Comelec ay ibasura na bilang partylist ang Duterte Youth Partylist, period!

◘◘◘

MAJ. GEN. ELEAZAR, WALANG SINASANTO, KAPWA GENERAL SINIBAK! — Nang magtungo sa tang­gapan ni NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar si Cpl. April San­tiago ng San Juan Police at ipakita ang video ng pananakit sa kanya ni EPD Director Brig. Gen. Christopher Tam­bungan dahil lang sa isyung hindi agad niya ito (Gen. Tambungan) na­bigyan ng police escort ay sinibak agad ng NCRPO director ang EPD director.

‘Yan si Maj. Gen. Eleazar, walang sinasanto, kahit kapwa niya police ge­neral kapag nagkamali, sibak agad, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

NGAYONG EX-MILITARY NA ANG HEAD, MATIGIL NA KAYA ANG KORUPSIYON? — Dahil sa nabulgar na katiwalian, pinag-resign ni P-Duterte ang mga opisyal sa isang ahensiya ng pamahalaan at pagkara­an, ang itinalagang mamuno rito ay si ret. Army Gen. Ricardo Morales.

Ngayong ex-military na ang head, mawala na kaya ang sangka­terbang anomalya? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page