top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Botohan sa House Speaker ng partylist coalition, naudlot

Mylene Alfonso
Jun 21, 2019
1 min read

HINDI natuloy ang na­katakdang botohan ng mga miyembro ng partylist coa­lition kung sino ang kanilang susuportahan at iboboto bilang susunod na House Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress.

Sa inisyal na bilangan, pinaghahatian umano nina dating DFA Sec. Alan Peter Cayetano at dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang anim na boto, saman­talang, si Cong. Allan Lord Velasco ay nakakuha ng 11 boto ha­bang si Cong. Martin Ro­mualdez ay nakakuha na­man ng majority votes na 29. Ang koalisyon ay may ka­bu­uang 54 votes.

Isinantabi ng liderato ng koalisyon ang botohan dahil mas piniling hintayin nila ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na noong oras na iyon ay umiikot sa Samar ang pangulo kasama si Ro­mualdez at ipinakikilala sa harap ng mga heneral sa isang kampo na susunod na magi­ging House Speaker.

Nalulugod naman si Ro­mualdez sa pagpapa­ki­lala sa kanya ng pangulo at nag­sabing kung siya ang ma­palad na magiging Spea­ker ay magiging pantay-pan­tay ang kanyang pagti­ngin sa kan­yang kapwa cong­ress­men na walang ‘se­cond class citizen’ na ini­re­reklamo ng mga partylist member.

Ayon sa political analyst na si Dr. Paul Mar­tinez, na­pakahusay ng gi­nawa ng pangulo at ni Mayor Inday Sara na hayaan na maging “free zone fight” ang labanan sa House Speaker dahil wala namang solid na PDP-La­ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page