top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tiyak na ikatutuwa ng mga fans… MARTIN, IPINAGSIGAWANG MAGKAKAANAK SILA NI POPS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

MAY nabanggit si Martin Nievera sa guesting niya sa pelikulang Feelennial na co-produced ng DSL Productions, na pinamumunuan ni Pops Fernandez, at ng Cignal Entertainment.

Wala raw siyang dialogue sa movie at totoo nga dahil nagbisikleta lang siya. Pero sa ending ng movie, habang lumalabas ang credits, may eksenang magkasama sila ni Pops at nag-uusap na for sure, wala sa script.

Nakakatuwa ang mga sinabi ni Martin at nabanggit pa na magkakaanak sila ni Pops. Nakakaaliw ang short convo ng ex-couple, matutuwa ang mga fans nila. Kaya sa mga nagmamahal pa rin sa Martin-Pops tandem, ‘wag agad lumabas ng sinehan after ng ending dahil may sorpresa sa inyo ang ex-couple na best friends na ngayon.

Dumating si Martin sa premiere night ng Feelennial bilang suporta kay Pops. Showing na ngayon ang pelikulang idi­nirehe ni Rechie del Carmen.

Matutuwa at matatawa kayo kina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Ma­husay din ang ibang cast gaya nina Arvic Tan na gumanap na anak ni Ai Ai, at Raffy Roque na gumanap na pamangkin ni Bayani.

Isa pang nagustuhan namin sa movie ay ang theme song na composition at kinanta yata ni Robin Nievera at ang kinanta ni Raffy na original composition din nito.

Ipinost ni Pops ang cinemas kung saan showing ang Feelennial at may thank you message siya sa lahat ng sumuporta in making the movie.

This has been a long time project which we have been passionately working on... thank you for all the wonderful reviews and comments.”

Kasamang pinasa­la­matan ni Pops ang production staff at mga anak na sina Robin, na gumawa ng musical scoring ng peli­kula, at Ram na in-charge naman sa animation.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page