SUPER CRUNCH AT STARS, MAPAPALABAN SA MPBL

MAHAHARAP sa pahirapang magkahiwalay na laban ang Makati City-Super Crunch at Manila Stars bago makasilong sa win column sa MPBL Season 3 sa Ynares Sports Center. Ang team na may pinakamahabang winning streak noong nakaraang season na may 15 bago yumuko sa quarterfinal round kontra Quezon City, pinasabugan ng Makati ang team Rizal Golden Coolers, 73-51.
Namuno si Ex-pro Joseph Sedurifa sa bisa ng 15 points habang si John Rey Villanueva ay may naiambag na 14 points. Si dating NLEX Road Warriors Jeckster Apinan ay may double-double performance na 10 points at 10 rebounds nang madomina nang husto ng Super Crunch ang Golden Coolers na coach si dating Barangay Ginebra star at longtime MPBL analyst Jayvee Gayoso. Naging maganda rin ang laro ng Makati sa bisa ng 24 assists. “At the back of our minds, the setback from last season is still there,” ayon kay Makati coach Cholo Villanueva. “But I believe we’re wiser this year and I hope everything we learned from last season, we’ll be able to make good use of it this season.”
‘Di tulad ng Makati na mabilis ang panalo, kailangang pumutok nang husto ang Manila bago makuha ang gahiblang panalo na 86-85. Malakas na depensa ang nanaig kay Aris Dionisio, ang reigning MPBL Defensive Player of the Year sa papakulapsong segundo at iselyo ang panalo para sa Manila.
Kailangan habulin ni Dionisio si PJ Barua na humaharurot para sa layup ng Kyusi at ang 6-foot-4 forward ang nagpagana sa depensa.





Comments