Sundalo, kulong sa shabu
- V. Reyes
- Jun 20, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang isa umanong dating sundalo sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Cubao, Quezon City, kahapon ng umaga.
Tinukoy lang ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan ng sundalo na nag-absent without official leave (AWOL) na si alyas Eril.
Dinakip din ang kasamahan nitong si alyas Daisy, 39. Isinagawa ang operasyon sa Bgy. E. Rodriguez kung saan nasamsam ang walong sachets ng hinihinalang shabu.
Hindi na umano nakapalag ang dalawa nang mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa poseur-buyer.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments