Rumesbak sa mga may ayaw sa kanya… TONY, TODO-F*CK YOU SA MGA NETIZENS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NABA-BASH na naman si Tony Labrusca dahil sa naging post niya sa kanyang Instagram account para sa mga haters niya.
Nag-upload ng dalawang litrato si Tony at nilagyan ng caption na “Haters? Swipe right.” Makikita kasi sa ikalawanag picture ang pagtaas ng middle finger ng aktor na mensahe raw niya para sa kanyang mga haters.
Maraming netizens ang nagsasabing balik na naman daw ang kayabangan ng aktor matapos masangkot sa kontrobersiya niya sa Immigration Office sa NAIA.
Napansin ng ilan ang pagiging masyadong nega ni Tony sa kanyang mga bashers, samantalang wala pa naman daw itong napapatunayan bukod sa pagpapakita niya ng abs.
Hirit ng isang netizen, “Why is he so nega? Wala pa namang napapatunayan sa showbiz except ipakita ang abs. Nahiya ang mga legit male actors sa kanya, ha, sa true lang. Method kung method ang acting approach ng iba pero siya, hubad lang, feeling-sikat na sa showbiz.”
Marami rin ang nanghihinayang dahil baka hindi na raw kunin ang magaling na aktor dahil sa attitude niyang ipinapakita sa madlang pipol.
Pero may mga loyal supporters din naman si Tony na sinuportahan siya at sinabing pinaninindigan lang nito ang bad boy look niya sa social media, pero mabait naman sa totoong buhay.





Comments