Pinasok ng 15 | MAYOR NIRATRAT SA OSPITAL TODAS

PATAY ang dating alkalde ng Medellin, Cebu matapos pagbabarilin sa loob ng pribadong ospital.
Natagpuang nakabulagta at wala ng buhay sa loob ng palikuran ng kanyang silid sa Bogo-Medellin Corporation Medical Center sa Bgy. Luy-a si dating Mayor Ricardo ‘Ricky’ Ramirez.
Sa report ng Police Regional Office-7, nasa 15 armadong lalaki na pawang mga naka-bonnet ang umatake sa naturang ospital at matapos disarmahan ang mga guwardiya at jailguard na nakatalaga kay Ramirez ay pinasok na ang dating alkalde at pinagbabaril bago maghatinggabi ng Martes.
Una nang inaresto si Ramirez noong 2017 dahil sa kasong pag-aari ng iligal na armas at isinailalim sa hospital arrest nang makaranas umano ng paninikip ng dibdib.
Mabilis na nilisan ng armadong grupo ang ospital sakay ng tatlong SUVs.
Patuloy nang inaalam ng pulisya ang nasa likod ng pag-atake sa dating alkalde.





Comments