top of page
Pokwang.jpg

Pa-miting de-abanse sa Kamara, kaliwa't kanan, ayaw paawat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2019
2 min read

KAPANA-PANABIK talaga ang girian sa Kamara.

Kani-kanyang pa-miting de-abanse!

◘◘◘

KINUKULIT si P-Di­gong na mag-endorso.

Pero, nanatili si­yang nasa neutral corner!

◘◘◘

SA isang araw, nag­karoon ng magkahiwa­lay na meeting ang dalawang grupo ng mga kongresista.

Talagang ayaw pa­awat at wala pang lumulutang na clear winner!

◘◘◘

ISANG meeting ang idinaos sa Clark, Pam­panga na dinaluhan ng mga gabinete at kon­gre­sista.

Ayon kay Rep. Alan Peter Cayetano, ito ang unang pulong ng mga gabinete at kongresista bago ang pagbubukas ng ika-18 Kongreso.

Kumbaga, panghi­magas sa Kamara!

◘◘◘

TINALAKAY dito ang mga programa ng gobyerno at plano ng mga kongresista.

Malinaw na pre­pa­­rasyon ito sa nala­la­bing termino ni P-Digong!

◘◘◘

DUMALO sa pulong sina Finance Secretary Carlos “Sonny” Domin­guez III, Transportation Sec. Arthur Tugade at Public Works Sec. Mark Villar.

Sila ang “tungkong kalan” ng Build, Build, Build Program!

◘◘◘

ANG “tungkong ka­lan” ay ang tatlong ma­la­king bato na ginagamit sa probinsiya kung saan ipapatong ang palayok, kaldero o kawali kapag magluluto.

Sa ilalim, ilalagay ang panggatong na kahoy na magliliyab at magpapainit sa palayok!

◘◘◘

Hindi makaluluto ng tsibug kapag walang “tatlong bato” na nag­sisilbing kalan o lutuan sa mga lalawigan.

Ang tatlong “tung­kong bato” ang sina­unang sistema ng pag­lu­luto sa kasaysayan!

◘◘◘

NILINAW ni Rep. Cayetano na mahalaga ang naturang forum upang makagawa ng batas kung saan maha­lagang kumonsulta sa tatlong gabinete.

Pinag-usapan dito ang pagba-budget, pi­nansiyal at mga pro­yektong pang-impras­­truktura at trans­por­tasyon!

◘◘◘

BINANSAGANG “Vision Into Reality” forum ang pulong na nagsilbing host sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Deputy Speaker Raneo Abu ng Nacionalista Party (NP); San Juan Rep. Ronnie Zamora, Cavite Rep. Bambol Tolentino at Mandaluyong Rep. Boyet Gonzales.

Dumalo rin sina La­guna Rep. Dan Fernandez ng PDP-Laban; Antipolo Rep. Robbie Puno, Dasma­riñas City Rep. Elpi­dio “Pidi” Barzaga, Jr. at Masbate Rep. Narciso “Bong” Bra­vo, Jr. ng National Unity Party (NUP)!

◘◘◘

HABANG nanga­ngampanya ng boto ang ilang kongresista para sa kanilang ‘manok’, aktuwal nang nagtatra­baho ang mga duma­lo sa forum sa Clark.

Beterano sa gobyer­no at may sapat na karanasan ang mga dumalo sa Clark.

‘Yan ang tunay na makatutulong kay P-Digong!

◘◘◘

MAHALAGANG mamulat ang mga kon­gresista sa kanilang responsibilidad at obli­gasyon.

Mananatiling kaga­lang-galang ang Ka­ma­ra at iwasan ang maruming politika na bababoy sa insti­tus­yon pangdemo­kras­ya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page