Lalaking nasasakal sa bagong GF

Dear Roma,
Ako si Ronnie, may bagong GF ako ngayon. Sa totoo lang, noong nililigawan ko siya ay napakabait niya at maunawain, pero ngayong kami na, nasasakal ako sa kanya dahil ayaw niya akong nagba-basketball at umaalis kasama ang mga barkada ko. Minsan, sinasabi kong sumama siya sa akin para makasigurado siyang wala akong gagawing kalokohan, pero ayaw pa rin niya. Sa palagay ko, ang toxic ng ganitong relasyon. Dapat ko na ba siyang hiwalayan? — Ronnie
Ronnie,
Naku, mahihirapan ka talaga niyan, tsong! Pero, kung mahal mo talaga ang GF mo kahit ano pa ang ugali niya kaya mo itong tanggapin, ngunit, kailangan mo rin itong i-open sa kanya nang sa gayun ay mabago niya, lalo na kung kailangan talaga. ‘Ika nga, ang lahat ng bagay ay naaayos sa magandang usapan. Huwag mo siyang hiwalayan kaagad dahil hindi ‘yun ang solusyon para riyan. Kung kaya pa ninyong ayusin, ayusin ninyo nang sa gayun ay hindi kayo magsisi sa huli. God bless sa iyo!





Comments