‘PINAS NAKA-3 MEDAL SA ASIA FRISBEES
- BULGAR

- Jun 20, 2019
- 1 min read

SUMAMPA sa podium ang nag-iisang pambato ng bansa na Ultimate Teams sa kanilang dibisyon sa 2019 Asia Oceanic Beach Ultimate Championships na idinaos sa Shirahama, Japan ng nakaraang linggo.
Dinaig ng Pilipinas Ultimate Men’s Team ang Japan, 12-6 para sa gold medal sa men’s division, habang tinalo ng Mixed Team ang Japan, 10-8 at hamigin ang gold sa mixed category.
Sa kabilang dako, ang Pilipinas Ultimate Women’s Team ay naisahan ang Singapore, 8-7 para sa bronze medal. “It was great, it was really fun,” ayon ka Xtian Guerrero, ang captain ng men’s team.
“Just being here in Japan in general is fun already, so definitely worth to come here and worth the effort.”
May 40 teams ang nakarehistro sa torneo na sanctioned ng World Flying Disc Federation.
Makaraan ang matagumpay na kampanya sa Japan, umaasa ang Pilipinas Ultimate Teams na makalarga sa 2019 Asia Oceanic Ultimate and Guts Championships sa Hulyo. (MC)





Comments