top of page

Pananakit ng batok na hindi nawawala sa loob ng isang linggo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Mahigit isang linggo na akong nakararamdam ng pananakit ng batok. Hindi ko alam kung dahil ito sa maling posisyon ko sa paghiga. Ako ay high blood, pero kontrolado naman ito dahil hindi ako pumapalya sa pag-inom ng aking maintenance na gamot. Puwede bang maging dahilan ng pagsakit ng batok ang high blood pressure? — Marites

Sagot Maraming tao ang nakararanas ng pananakit ng batok at leeg. Sa maraming pagkakataon, dahil ito sa hindi tamang postura o sobrang paggamit ng mga kalamnan sa leeg. Kung minsan, ang pananakit ng batok ay dahil sa pinsala na dulot ng aksidente at laro.

Madalas, hindi naman ito lubhang seryoso at nawawala rin ito sa loob ng ilang araw. Sa ilang kaso, ang pananakit ng batok ay sintomas ng isang seryosong karamdaman na nangangailangang matingnan ng doktor. Kung ang pananakit ng batok ay hindi nawawala sa loob nang mahigit isang linggo, malalang pananakit o may kasamang iba pang sintomas, kailangan agad na magpatingin sa doktor.

Narito ang ilan sa mga dahilan ng pananakit ng batok:

  • Tensiyon sa kalamnan ng leeg

  • Atake sa puso

  • Meningitis

  • Sakit sa batok

Kung ang mga sintomas ng pananakit ng batok ay hindi pa rin nawawala sa loob nang mahigit isang linggo, kailangan nang bumisita sa doktor.

Kailangan ding magpa-check-up kung nakararanas ng mga sumusunod:

  • Matinding pananakit ng batok o leeg nang wala namang nakikitang dahilan

  • May nakakapang bukol sa leeg

  • May lagnat

  • Masakit ang ulo

  • Namamaga ang kulani

  • Pagsusuka

  • Nahihirapan sa paglunok ng pagkain o tubig

  • Nahihirapan sa paghinga

  • Nanghihina

  • Namamanhid

  • Pananakit ng batok na umaabot sa mga kamay at paa

  • Hindi maikilos ang mga kamay at paa

  • Hindi maigalaw ang baba papuntang dibdib

  • Hindi makaihi o makadumi

Kung ikaw ay naaksidente o nahulog sa isang mataas na lugar at sumasakit ang iyong leeg, kailangang pumunta ka agad sa doktor para agad itong malunasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page