top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagpapagawa ng balon malapit sa pinanggagalingan ng polusyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Kamakailan, napansin naming mayroong ipinagagawang balon ang aming kapitbahay na malapit sa tambakan ng basura sa aming baryo. Nais kong malaman kung maaari ba nila itong gawin? — Paulo

Dear Paulo, Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Presidential Decree (P.D.) No. 856 o “The Code on Sanitation of the Philippines”. Nabanggit sa Chapter XII, Section 13 (b) ng nasabing batas na:

“Section 13. Other Protective Measures

(b) No artesians, deep or shallow well shall be constructed within 25 meters from any source of pollution.”

Samakatwid, malinaw sa nabanggit na batas na bawal magtayo ng balon, malapit sa pinanggagalingan ng polusyon at kasama rito ang basurahan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page