P-Duterte, suko sa Chinese, dedma sa kapwa-Pinoy, tsk-tsk-tsk!

P-DUTERTE, SUKO NA SA PAGBANGGA NG CHINESE VESSEL SA FISHING BOAT NG MGA PINOY—Sa tema ng salita ni P-Duterte ay parang sinabi na rin niyang walang magagawa ang gobyerno sa isyu ng pagbangga ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).
Hay naku, ang inaasahan ng publiko ay magbibigay ng matapang na pahayag si P-Duterte laban sa China, eh, hindi pala at sa halip, parang inamin na rin ng pangulo na suko na siya sa isyung ito, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, WALANG PAKIALAM SA GINAGAWA NG CHINA SA MGA MANGINGISDANG PINOY—Minaliit din ni P-Duterte ang panawagan ng iba’t ibang sektor na gamitin niya ang tapang ng kanyang bunganga laban sa China kaugnay sa pagbangga ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa WPS.
Sabi ni P-Duterte, banggaan lang naman daw ng dalawang bangka ang nangyari sa WPS.
Parang sinabi na rin ni P-Duterte na wala siyang pakialam sa pagbangga at pagpapalubog ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng 22 mangingisdang Pinoy, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
COMMISSIONER GUERRERO, WALA PANG AKSIYON SA MGA TARA COLLECTOR—Sa privilege speech ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, ibinulgar nito na may “tara collector” daw na ginagamit ang tanggapan ni Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero para makapanghingi ng P5K per container van sa mga smuggler.
Noong May 29, 2019 pa ibinulgar ni Sen. Lacson ang isyung ‘yan, pero hanggang ngayon ay wala pang nababalitang ginawang aksiyon si Commissioner Guerrero laban sa mga “tara collector” na gumagamit sa kanyang tanggapan, period!





Comments