top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Inalok ng laruan | 9-ANYOS NI-RAPE NG KAPITBAHAY

  • Levi Gonzales
  • Jun 19, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang 62-anyos na lolo makaraan umanong halayin ang siyam na taong gulang na babae sa Bgy. Cadlit, Buenavista, Quezon.

Kasama ang ina nang magtungo sa pulisya ang biktimang si alyas Kate, upang magsampa ng reklamo laban sa kanilang kapitbahay.

Alas-12:30 ng hapon, naglalaro siya sa tapat ng kanilang bahay nang lumapit ang suspek na si alyas Domeng. Inalok umano siya ng mga laruan kung saan sumama ito sa bahay ng suspek.

Pagpasok sa bahay, agad siyang hinubaran saka hinalay. Nabulabog lamang ito nang dumating umano ang bunsong anak ng suspek kaya natigil ang makamundong pagnanasa sa biktima.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip ito at sinampahan ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page