top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Helper, tinarakan ng mga katoma

  • V. Reyes
  • Jun 19, 2019
  • 1 min read

NAGING madugo ang masaya sanang inuman ng tatlong construction workers matapos tarakan ng kutsilyo sa leeg ang isang helper sa construction site sa Cubao, Quezon City, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Regie Torre Viernes, 29, may asawa, tubong Dilasag, Aurora at stay-in sa pinagtatrabahuhang construction site ng townhouse sa Bgy. Kaunlaran.

Tinutugis na ng pulisya ang mga kasamahan ng biktima na sina Loben Dianela, 30, at Rico Rosales, 25, mason, kapwa stay-in din sa construction site.

Lumabas sa paunang pagsisiyasat na naganap ang krimen pasado ala-1:00 ng madaling-araw sa ikaapat na palapag ng itinatayong gusali.

Isa sa mga manggagawa rin sa lugar na si Mark Manuel Pimentel ang nakakitang nag-iinuman ang biktima at mga suspek.

Gayunman, habang papunta ng palikuran ay napansin umano ni Pimental si Dianela na may hawak na patalim at makalipas ang ilang minuto matapos siyang tumugon sa tawag ng kalikasan ay muli niyang nakita ang suspek na bitbit pa rin ang kutsilyo ngunit, duguan na ito.

Matapos nito ay mabilis na umalis si Dianela kasama si Rosales.

Agad ipinagbigay-alam ni Pimentel sa kanilang foreman ang nasaksihan at nang puntahan si Viernes ay bumungad sa kanila ang nakabulagta at duguang katawan ng helper.

Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page